UNANG ALAY, NAG-AALAY, NAGMAMAHAL
Intro: C - G - Am - C
Tempo: 3/4
Refrain:
C G Am C
Kunin at tanggapin ang alay na ito
FM7 C BbM7 G7sus-G7
Mga biyayang nagmula sa pagpapala mo
FM7 C E7sus-9 E7-Am-D7sus
Tanda ng bawat pusong, pagkat inibig mo,
C G7sus G7 C
Ngayo'y nananalig, nagmamahal sa 'Yo.
Verse 1.
Am Em F C
Tinapay na nagmula sa butil ng trigo
Am Dm Gsus G7- G7sus
Pagkaing nagbibigay ng buhay Mo.
Am Em Dm G C
At alak na nagmula sa isang tangkay na ubas
FM7 BbM7 G7-sus-G7
Inuming nagbibigay lakas. (Ref)
Verse 2.
Lahat ng mga lungkot, ligaya't, pagsubok,
Lahat ng lakas at kahinaan ko
Iaalay kong lahat buong pagkatao,
Ito ay isusunod sa 'Yo. (Ref)
Verse 3.
Kami ay dumudulog at nagsusumamo
Nawa'y tanggapin at pagpalain Mo,
Ang alay na nagmula sa aming pagsisikap
At bunga ng aming paggawa. (Ref)
Verse 4.
Ang bayang inibig Mo, ngayo'y umaawit
Sa 'Yo ay sumasamba't nananalig,
Umaasang diringgin ang bawat dalanging
Alay sa iyo'y kalakip. (Ref)
C G7sus + 9
Ngayo'y nanalig [umaasa]
CM7 G7sus + 9
Dumudulog [sumasamba]
CM7 G7sus + 9 F-C-Dm-Gsus-G7-C
Umaawit [nagmamahal] sa 'Yo.